SANAYSAY
Ang sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa salitang Latin na exagium na nanggaling naman sa pandiwa na exagere na nangangahulugang “gawin, magpaalis, magtimbang, magbalanse.”
Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng inilathalang sulatin ng Pranses na si Michel Eyquiem de Montaigne na pinamagatang Essais, naitakda ang kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang pagtatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin.
Ang “sanaysay” naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro G. Abadilla. Pinagsanib niya ang mga salitang “pagsasalaysay ng isang sanay” o “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at ito’y inilalahad sa isang malinaw, lohikal at nakakahikayat na pamamaraan.
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Mayroon itong dalawang uri, ang Pormal at Pamilyar.

DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. Pormal o Maanyo
Ang salaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.
2. Pamilyar o Palagayan
Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

PAGISLAM
ni: Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag ga tinatawag na Pag-islam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibinyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremnyang panrelihiyon na napapaloob sa pag-islam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak na Muslim at ang kanyang unang salita maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremnya ay higit na kilala bilang pangganting o pangubad. Ginagawa itong pitong araw pagkakaroon ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito'y tinatawag na agiya, na ang ibig sabihi'y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang bininyagan o pinarangalan ay binibigyan ng pangaln ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapg ito'y lumubog, siya'y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremnya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanao. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremnya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto ga gating kinulayan ng dilaw. Ninihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian. Isang katutubong hilot na may kaalaman sa kinaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremnya ay pag-islam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na Gawain sa seremnoyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kinalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng mga maulidin nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

SANAYSAGING
ni: Epifanio G. Matute
Binubuo ng 29 talata ang buong sanaysaging ni Matute, at kabilang na rito ang paisa-isang salita o pangungusap na paningit sa mga bloke ng salita. Simple lamang ang tesis ng sanaysay: Kailangan ang saging para umunlad ang bansa, kaya dapat itong palaganapin at ilangkap sa patakarang ekonomiko ng Filipinas. Pabalintuna at maparikala ang presentasyon ng gayong tesis, dahil kahit sinasabi na kailangan ng Filipinas ang malawakang produksiyon ng saging ay lalo nitong ibinabaon sa tuligsa ang gayong kalakaran. Ang naturang tesis ay hindi matatagpuan sa unang talata bagkus sa ikatlong talata bago ang pangwakas na talata, at lumalagom sa tinagurian niyang “sagingisasyon”—ang ganap na pananaig ng saging bilang produkto at sagisag ng bansa.
Ang siste ng sanaysay ay nakatuon sa personang naglalahad ng kaniyang karanasan hinggil sa saging. Sa unang talata, ipababatid agad niya ang angking katangahan sa sining at siyensiya ng pagtatanim hanggang pagpapahinog ng saging. Iuugnay niya ito sa ikalawa at ikatlong talatang pumapaksa sa kakulangan ng suplay ng bigas sanhi ng digmaan, at ang pag-ugat sa esensiya ng sisid rice, kamote, at kangkong. Ang pihit ng paglalahad ay sasapit sa ikaapat na talata, nang makapulot ang persona ng inakala niyang punong saging, at pagsunod sa yapak ng pagong sa kuwentong bayang itinala ni Jose Rizal.
Lilipas ang panahon at mabubuhay ang tanim, ngunit magtataka ang persona kung bakit hindi ito namumunga. Nagbalik si Hen. Arthur MacArthur sa Leyte, winasak ng mga bomba at artilyeriya ang Maynila, at bumaha sa bansa ang mga produktong mula pa sa Estados Unidos ngunit nabigo pa ring mamunga ang pananim. Nang minsang mapadalaw ang amain ng persona ay sinabi nitong hindi naman saging ang naturang tanim bagkus abaka. At ang abakang ito ay maaaring pagkunan ng mga hibla ng lubid na puwedeng pambigti ng persona.
Halos isumpa ng persona ang saging, bagaman walang kasalanan ang saging sa kaniyang katangahan. At magbabago lamang ang kaniyang palagay at prehuwisyo sa saging nang pumasok sa eksena ang United Fruit Company na naglalayong isulong ang malawakang pagtatanim ng saging sa Dabaw, palitan ang mga dating pananim na palay at mais at gulay, at kumbinsihin ang taumbayan, batasan, at gobyerno sa pamamagitan ng mga anunsiyo sa diyaryo, radyo, telebisyon, at iba pang lunan ng talakayan. Ngunit sasalungat si Senador Lorenzo Tañada, at ito ang magwawakas sa tangkang pagbabago sa Saligang Batas na kikiling sa sagingisasyon ng Filipinas. Ang “sagingisasyon” na taguri ni Matute ang katumbas ngayon ng “globalisasyon” sa negatibo nitong pakahulugan, alinsunod sa malayang daloy ng palitan ng produkto at lakas-paggawa sa iba’t ibang bansa.
Banayad ang banat ng persona hinggil sa United Fruit Co., na tinumbasan niya ng salin sa Tagalog na ”Nagkakaisang Prutas.” Kunwa’y pinupuri niya ang pag-ulan ng latundan, lakatan, at bungulan, ngunit ang totoo’y maligoy niyang hinahatak ang mga tao na pag-ukulan ng pansin ang gayong patakarang ang makikinabang lamang ay ang nasabing dambuhalang kompanya. Bagaman walang binanggit na estadistika si Matute, ang lupaing laan sa agrikultura sa bansa ay aabot sa 12.84 milyong ektarya, at 66 porsiyento rito ay tinatamnan ng palay at mais, ayon sa Environmental Law of the Philippines (1992). Ang pagpapanibago ng patakaran kung gayon sa produksiyon ng palay at mais ay makaaapekto hindi lamang sa suplay nito sa buong bansa, bagkus maging sa sistema ng pamumuhay ng mga tao. Mapangingibabaw ang pagtugon sa pangangailangan ng tagaibang bansa, kaysa unahin ang pangangailangang pangkabuhayan dito sa Filipinas.
Ang “Republika ng Saging” ay mahihinuhang hango sa “Banana Republic” na taguri sa mga bansang nakasandig ang ekonomiya sa gaya ng saging, at iba pang produktong pansakahang iniluluwas sa Estados Unidos at Europa. Ibinibilang dito ang gaya ng El Salvador, Belize, Nicaragua, Honduras, at dating panlait sa mga pamahalaan nitong pinamumunuan ng hunta militar. Nang lumaon, ang “Republika ng Saging” ay ibinansag na rin ng mayayamang bansa kahit sa mga bansang walang matatag na ekonomiya, at laging nakasandig sa pagsusuplay ng mga produktong pang-agrikultura o kaya’y lakas-paggawa sa mayayamang bansa. Sa kabila ng lahat, ang Republika ng Saging ay masasabing produkto ng mga multi-nasyonal na kompanyang gaya ng United Fruit Co. at ng kakutsaba nitong ahente sa pamahalaan at pribadong sektor. At kung gayon nga, ang tinatawag na “sagingisasyon” ni Matute ay nagiging lehitimo lamang kung papayagan ng taumbayan, at maipapaloob sa pambansang patakaran ukol sa agrikultura at ekonomiya.
Manghihinayang ang persona at hindi matutupad ang sagingisasyon ng Filipinas. Ang panghihinayang na ito ay ipapasok na lamang sa pambansang awit ng Filipinas: Bayang masaging, Perlas ka ng Sagingan/ Puso ng saging, sa dibdib mo’y buhay./ Lupang Sinaging, duyan ka ng latundan./ Sa kontra-saging, di ka padadagan./ Sa dagat at bundok,/ Sa simoy at sa langit mong bughaw,/ May dilag ang saging/ at awit sa lakatang minamahal/. . . . Ang kontra-saging na binanggit ng persona ay hindi naman talaga kontrabida, bagkus tagapagtanggol nga ng bansa. Ikinukubli lamang ni Matute ang gayon sa pamamagitan ng pagpapatawa, nang mapagaan ang panunuligsa sa pamahalaan.
Ispesimen ang sanaysaging ni Matute kung paano nagbabago ang uri ng sanaysay sa Filipinas. Ang pag-urirat at pagsasakdal sa mga baluktot na patakaran ng pamahalaan ay hindi kinakailangang laging tahas, at magagamit ang bisa ng ligoy at pagpapatawa. Ngunit hindi basta pagpapatawa na gaya ng ginagawa ni Michael V. at iba pa niyang kauri na ginagagad lamang ang realidad. Umiimbento ng realidad si Matute, at gumagamit ng mga tagpo sa lipunan at kuwentong-bayan nang hindi nangyuyurak o pinagtatawanan ang karaniwang tao. Hinahamon tayo ni Matute na kasangkapanin ang sanaysay sa pamamagitan ng madidilim na pagpapatawa, at nasa atin na ang pagpapasiya makaraang mabusog sa sagingan ng kaniyang bait at pahiwatig.

sandale.mp3 | |
File Size: | 3618 kb |
File Type: | mp3 |